BDO, pagtitibayin ang samahan sa DMW para sa Overseas Filipinos

Aug 2, 2022 | Likes

Para sa mga Overseas Workers

May ilang kaibigan at kamag-anak tayong piniling makipagsapalaran sa ibang bansa. Hangad nila na sa malaking oportunidad mayroon doon, mapaganda ang takbo ng kanilang pamilyang maiiwan sa Pilipinas. Magandang adhikain nga naman.

BDO at DMW, pagtitibayin ang samahan para sa Overseas Filipinos

Nakikita ng BDO Unibank ang magandang adhikaing ito ng kapwa nya Filipino. Kaya naman upang mas lalo pang mapabuti ang kapakanan ng overseas Filipinos (OFs), mas palalakasin pa ng BDO ang kanilang ugnayan sa Department of Migrant Workers (DMW). Ang DMW ang sumasakop sa Philippine Overseas Employment Administration at Overseas Workers Welfare Administration.

Ano ang relasyon ng BDO at Department of Migrant Workers?

Nagsisilbing daan ang DMW upang maibahagi ng BDO ang kanilang programa para sa mga overseas Filipinos.

Ayon kay BDO senior vice president at Remittance head Genie T. Gloria, mas marami pa ang matutulungang kababayan sa abroad kung pagtitibayin lalo ang samahan ng BDO at DMW.

Ano ba ang mga programang ginagawa ng BDO at Department of Migrant Workers

Regular na nagsasagawa ang BDO, kasama ang DMW, ng mga pre-departure orientation seminars (PDOS) para sa mga paalis na overseas Filipinos.  Tinatalakay sa seminar na ito ang mga financial wellness planning at kahalagahan ng pag-iipon at pag-iinvest. Hindi rin kinakalimutan ituro ang pagkuha ng good loan para magpatakbo ng sariling negosyo sa kinalaunan.

Mga aral ng BDO sa mga Overseas Workers

BDO at DMW, pagtitibayin ang samahan para sa Overseas Filipinos

BDO Kabayan Savings

Hindi nagkukulang magpaalala ang bangko sa mga overseas workers na magbukas ng savings account tulad ng BDO Kabayan Savings. Sa pamamagitan ng BDO Kabayan Savings, napananatiling ligtas at mabilis ang perang padala mula sa mga overseas Filipinos patungo sa kanilang pamilya sa Pilipinas. Nakapag-iimpok na rin sila ng pera rito dahil diretso sa Kabayan Savings ang pinapadalang remittance. Maganda rin na dahil meron silang BDO Kabayan Savings, mayroon silang mapakikitang bank record sa kalaunan na maisipan nilang makapag-loan para sa sariling negosyo.

Cash Agad partner-agents

“Para sa mga overseas Filipino beneficiaries na nakatira sa probinsya na malayo sa bangko o ATMs, may mahigit 10,000 Cash Agad partner-agents ang BDO sa iba’t-ibang sulok ng Pilipinas.  Sa pamamagitan nito, pwedeng nila magamit ang kanilang BDO Kabayan ATM card or any Philippine-issued ATM card para mag-withdraw ng kanilang remittance. Hanapin lang ang Cash Agad logo sa pinakamalapit na tindahan, grocery store, hardware, water refilling stations, atbp. Kahit sa mga islang malalayo, may Cash Agad,” ayon kay Gloria.

Mas maraming ATMs

Maliban sa Cash Agad, mas lumawak pa ang ATM network ng BDO dahil kabilang na dito ang ATMs na nasa loob ng mahigit 1,800 7-Eleven stores sa NCR, Cavite, Laguna, Batangas at Cebu. Free of charge na makapagwi-withdraw ang sinuman gamit ang kanilang BDO Kabayan at BDO ATM cards. ​

Parangal para sa BDO

Kamakailan, binigyan ng DMW ng plaque of appreciation ang BDO sa pagdiriwang ng Migrant Workers’ Day. Ang parangal ay upang pasalamatan ang bangko sa naging kontribusyon nito sa welfare ng overseas Filipinos lalo na nitong pandemya. Kabilang sa efforts ng BDO, mula sa remittance service brand BDO Remit, ay ang pagbigay ng internet connectivity sa classrooms ng ahensya para maipagpatuloy ang kanilang PDOS online. Ito naman ay para sa mga Pinoy na paalis ng bansa na inabutan ng pandemya.

Sadyang marami at marami pang magagawa ang BDO para sa ikauunlad ng mga Overseas Workers. Nakatutuwa rin malaman na nakikita ng Department of Migrant Workers ang mga serbisyong ginagawa ng BDO. Tunay ngang masasabing, sa BDO, we find ways.

9 Comments

  1. Ruby Grace Pagar

    Malaking tulong ang mga programang hatid ng bdo sa mga ofw ate ko ay isang ofw at may kabayan savings din siya na very convenient everytime na magpapadala siya ng pera sa pinas ang kagandahan pa bukod sa realtime ang pasok eh mura lang ang pag open kudos to bdo talaga we find ways talaga sila

    Reply
  2. andrea

    salute to BDO at DMW lalo n sa OFW
    laking tulong para sa knila ang gnagawa nyo

    Reply
  3. Joy Castro

    Tama laking bagay ang bdo sating kababayan abroad , dahil mas pinadali at safe ng magpadala s kamag anak dto sa pinas .

    Reply
  4. Lorenda Failano

    Been using BDO Kabayan Savings Account for a long time now. Napakaganda niya kasi wala siyang maintaining balance, safe ang pera at mabilis lang mailabas padala ni mister.

    Reply
  5. Joan Lacida Andal

    Wow ang galing tlga ni bdo.,,, yung kapatid ko po bdo po gmit nya nsa ibang Bansa po sya,,,, dati po meron ako di na po nahulogan hehehe

    Reply
  6. Judylyn padilla

    Wow must read this blog momi .malaking tulong to sa ating overseas workers ❤️

    Reply
  7. Charito Danao

    Ang ganda naman ng programa ng BDO, laking tulong po ito sa kapwa Pilipino..lalo na sa mga ofw

    Reply
  8. Owen Ponce

    A good thing about this, aiming for the betterment of… programs are designed and equipped to help to a stronger ties !

    Reply
  9. Jen Guzman

    Salute sa ating mga kababayan na handang lumayo para mapabuti ang buhay ng mga mahal nila sa buhay, at sa BDO ang laki ng naitutulong nila sa pamamahitan ng iba’t ibang programa para sa ating mga OFW.

    Reply

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Motherhood, as I live it, is a gift not everyone can appreciate until she learns to truly live it. More musings and realizations, fun discoveries, and mommy tips at Momi Berlin's blog.

Philippines Blogs

Banners for Top 30 Mama Blogs

Contact Momi Berlin

(632) 9209466387
momiberlin@gmail.com

Follow Us

NEW BOOK ALERT!

Momi Berlin is a

Categories

Our Community Partners

Grab your copy now!

error: Content is protected !!

Pin It on Pinterest