MOMI MUSINGS|  Sa Iyong Pagbabalik-loob

Sep 6, 2017 | Life, Love, Only Berlin

nakapanglulumo.  napakasakit ng balitang tumambad sa akin.  ang buong akala ko’y pinagbubutihan mo ang iyong pag-aaral.  un pala, kinaliligtaan mo na maging ang mga takdang aralin.  bakit ba naman di ko agad tinanggap ang aking malakas na kutob?  marahil, lubos ang tiwala ko sa ‘yo.

nang dumating ang iyong mga mabababang marka para sa pagsusulit, natanto ko na may problema.  nang isa-isahin kong buklatin ang iyong mga kwaderno at aklat, lalong napatotoo ko ang hinalang nawala na ang dati mong sigla sa pag-aaral.

ilang araw mo na pala akong nililinlang.  ang ‘di pagsabay sa iyong school bus tuwing umaga.  ilang araw o marahil buwang pinaniwalang inuubos ang pagkain un pala’y tinatapon lang sa basura.  ilang beses na napatawag sa guidance sa mga gulo sa loob ng klase.

MOMI MUSINGS|  Sa Iyong Pagbabalik-loob

MOMI MUSINGS|  Sa Iyong Pagbabalik-loob

bakit?  ako’y naguguluminahan.  sadya bang sa pagtungtong sa edad mong iyan ay talagang kailangang maging iba?  iba sa punto na ako ay iyong lilinlangin?  na kailangang sikat ka sa paaralan sa pamamagitan ng madalas na napapatawag sa guidance?

ano ang problema?  bakit nagkaganoon?  sadya bang napabayaan na kita na hindi ko na nasubaybayan ang iyong paglaki?  kulang ba ako ng pangaral sa iyo?  o nasobrahan na ika’y nagnais kumalas at magpumiglas sa aking gabay?  nagkamali ba ako sa anumang anggulo ng pagpapalaki sa iyo?

o sadyang ang pangyayaring iyan ay parte ng pagdiskubre mo sa tinatawag na buhay?  na nais mong malaman ang tama kung kayat gumagawa ka ng hindi kagandahan at matanto ang mali kung kayat ninais mong kumilos ng mali?  na sadyang ika’y nag-eexperiment lamang at babalik rin sa dati?

o baka naman walang dati?  sadyang nabulag lang ako at inakalang may magandang nakaraan?

ako’y naguguluminahan.  nakapanglulumo.  marahil, binuhos ko ng todo ang aking atensyon, pagmamahal, at lahat lahat sa ‘yo.

ngunit ako ay umaasa na ikaw ay babalik sa dati — ipamamalas muli ang mga nakatutuwa mong karakter na nagpakilala sa iyo bilang ikaw.

ako’y nananalangin sa Panginoon na ikaw ay gabayan sa tamang daan.

iisipin ko na lang na ang mga ito ay  dapat pagdaaan upang malaman mo ang tama at mali.  na ito ay panandalian lamang at nais mo lang maranasan ang taliwas sa tuwid na landas.

na ikaw ay babalik muli.  at hihintayin ko ang iyong pagbabalik.  di ako susuko sa iyo dahil lubos ang pagmamahal ko sa ‘yo.  ikaw ay ang aking buhay. ikaw ang dahilan ng aking paglago at pakikipagsapalaran.

ikaw ay ipinagkaloob sa akin hindi upang magdulot ng hinagpis ngunit ng kasiyahan.  ikaw ay ikaw.  at ikaw ay isang mabuti, mapagmahal, at matapat na nilalang.

hihintayin ko ang nalalapit mong pagbabalik.

* Dalawang taon na ang nakaraan nang ito ay aking isulat para sa aking anak.  Noong mga panahong iyon, hindi ko siya maunawaan.  Aking napagtanto na sadyang hinihilom ng panahon ang lahat.  Bagamat hindi na tulad ng dati ang aming samahan, maganda na ring nanumbalik ang sigla niya sa pag-aaral.  At sa mga darating pang mga panahon, ang aming mga puso naman ang magtatagpo.  Patatawarin ang lahat ng pagkukulang at magsisimula muli.

7 Comments

  1. Richelle Molon

    Ito ang isa sa mga bagay na ikinakatakot ko bilang ina ng isang batang lalaki–yung phase na ganito, normal, tila hinahanap ang sarili.

    Maraming dasal.

    Sending virtual hugs, Momi Berlin.

    Reply
  2. Shalene R

    This is a very heartfelt piece. Nalungkot ako, na parang kailangan ko ihanda ang sarili ko sa future ng mga anak ko. I think they all go through that stubborn phase and we can only hope that they’d change.

    You’re a wonderful momma and so are your children 🙂

    Reply
  3. Cykaniki

    Trying to prepare myself for this,. I couldn’t imagine of I’m on your shoes, mothers need to face this kind of situations, pray lang

    Reply
  4. May Palacpac

    Awww..Berlin. I feel you..Hugs!
    This brings back memories of me as a teenager. I was a rebel without a clue. I would leave home often and wouldn’t come back for weeks – months, even. But my parents have never closed their doors on me. Even when I was already considered an adult and I came home bruised and battered from an abusive relationship.

    Keep praying and keep the doors open. Keep reaching out. This, too, shall pass. And your child will never forget you have loved.

    Reply
  5. Michi

    One of my fears ko ito yung maburn-out yung anak ko sa pag-aaral. So I don’t push him to be on top basta bigyan niya ko ng decent grades at walang bagsak. But I know this too shall pass, madami din ko kakilala na naburn out ng HS pero pagdating ng college, nagbago.

    Reply
  6. Above Precious Rubies

    I always believe in karma and because of that, I always think of what my karma will be with my kid/s will grow up. I was naughty when I was in HS, there was one time my mother called me in the room and cried in front of me.

    Reply
    • momiberlin

      My! I could imagine the hurt your mom must be feeling that moment that pushed her to cry. ehehe. Naughty Nilyn was part of your past and glad you were able to realize that.

      Reply

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Motherhood, as I live it, is a gift not everyone can appreciate until she learns to truly live it. More musings and realizations, fun discoveries, and mommy tips at Momi Berlin's blog.

Philippines Blogs

Banners for Top 30 Mama Blogs

Contact Momi Berlin

(632) 9209466387
momiberlin@gmail.com

Follow Us

NEW BOOK ALERT!

Momi Berlin is a

Categories

Our Community Partners

Grab your copy now!

error: Content is protected !!

Pin It on Pinterest