PINAY CHAMPION WEIGHTLIFER, may mas mahabang training na dahil sa cash agad

Aug 17, 2022 | Likes

Pinay champion weightlifter, mas mahaba na ang oras sa training dahil sa Cash Agad

Sa pagkakapanalo ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo, maraming mga batang atleta ang na-inspire sumabak sa larangan ng weightlifting. Isa na dito si Rosegie Ramos, isang 18-anyos na grade 10 student ng Mampang National High School. Tulad ni Hidilyn, si Rosegie ay tubong Mampang, Zamboanga rin.

PINAY CHAMPION WEIGHTLIFER, may mas mahabang training na dahil sa cash agad

Kamakailan lang ay humakot ng tatlong gintong medalya si Rosegie sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships na ginanap sa Tashkent City, Uzbekistan. Nagrehistro siya ng best score sa snatch (71kg.), clean and jerk (90kg.), at total (161kg.) para mamayagpag sa Junior division category ng nasabing paligsahan. Bago rito, nag-uwi rin si Rosegie, ng bronze medal sa women’s 49kg. category ng weightlifting mula sa Southeast Asian Games na ginanap sa Vietnam noong Mayo.

Isang pagsubok para kay Rosegie ang pag-balanse ng kanyang pag-eensayo bilang atleta at ang kanyang pag-aaral bilang estudyante. Kaya’t malaki ang pasasalamat niya sa pagkakaroon ng BDO Cash Agad sa kanilang lugar dahil nakakatulong ito para mapabilis at mapadali ang pag-withdraw nya ng kinakailangang cash.

Champion weightlifter Rosegie Ramos

Nung wala pa po ang BDO Cash Agad dito, bumibiyahe pa po ako nang 30 minutes para lang makapunta sa town para makapag-withdraw. Minsan ginagabi pa po ako. Ngayon andito na ang BDO Cash Agad, nagpapasalamat po ako kay ate Hidilyn na hindi ko na kailangan bumiyahe ng 30 minutes, menos gastos po.” kwento ni Rosegie.

Ngayon, kailangan lamang pumunta ni Rosegie sa Hidilyn Diaz Gym na malapit sa kaniyang bahay sa Mampang para makapag-withdraw ng cash dahil isa na itong ganap na Cash Agad partner-agent. Pinatayo ni Hidilyn ang gym para magsilbing training facility sa mga nangangarap na maging champion weightlifter tulad niya at ni Rosegie, at para sa iba pang health and sports enthusiasts sa lugar nila.

Nabanggit nga ng coach ko na nagkaroon ng Cash Agad dito sa gym ni Ate Hidi. Napaka convenient po sa akin saka hindi delikado, five minutes away lang po sa amin pag naka motor ako,” dagdag ni Rosegie.

Mga paghahanda ni Rosegie Ramos

Nagbukas na rin ng savings account si Rosegie sa BDO Network Bank bilang paghahanda sa kanyang kinabukasan.

Thirteen years old pa lang ako, sumasabak na ‘ko sa mga weighlifting competition. Noong nagsimula na akong manalo, nakakapag-ipon na rin ako mula sa winnings ko. May ATM ako dahil National Team member ako. Nag-open na rin ako ng savings account sa BDO Network Bank. Gusto kong makapag-ipon para na rin sa future ko.” ani Rosegie.

PINAY CHAMPION WEIGHTLIFER, may mas mahabang training na dahil sa cash agad
PINAY CHAMPION WEIGHTLIFER, may mas mahabang training na dahil sa cash agad

Gamit ang ATM cards ng BDO Unibank, BDO Kabayan Savings, BDO Network Bank, at iba pang local banks, maaaring mag-withdraw sa Cash Agad point-of-sale (POS) terminal sa gym ni Hidilyn Diaz at iba pang mga negosyo na Cash Agad partner-agent tulad ng sari-sari store, water refilling stations, mini-groceries.

Dahil sa Cash Agad, hindi na kailangan pang bumiyahe ng mga ATM cardholders nang sobrang layo at gumastos pa para sa pamasahe papunta sa bangko o ATM sa siyudad para lamang makapag-withdraw ng cash

7 Comments

  1. Bessie Ramos

    Nkakatuwa ang Cash Agad ng BDO napapadali ang pagwithdraw katulad na lamang ng ginawa ni Hidilyn Diaz na natulungan ang batang trainee na pagsupporta sa lavan dahil nabigyan niya ng BDO Cash Agad

    Reply
  2. Ruby Grace Pagar

    Amazing bdo laking tulong talaga ng cash agad sa kahit kanino lalo na sa mga nasa malalayong lugar good job bdo

    Reply
  3. merrynell serrano

    nakakatuwa talaga ang BDO may ganito na silang proyekto ang CASH AGAD , napakadali hnd mo na kailangan pa pumila ng pagkahaba haba,

    Reply
  4. Lorenda Failano

    Hindi na kailangan bumiyahe sa malayo para lang mag-cash out dahil meron nang BDO Cash Agad na maasahan dahil malapit lang sa kanilang lugar.

    Reply
  5. Owen Ponce

    Convenient time for us ! Made things easier and faster transaction anywhere , anytime! Hassle free too

    Reply
  6. Lailanie De Vera

    Laking tipid sa pamasahe o gasolina ,ganon din sa oras dahil sa BDO CASH AGAD na malapit na sa kanilang lugar. The best talaga ang BDO.

    Reply
  7. Erica Sosing

    Ang laking tulong po tlaga ng BDO CASH AGAD, Lalo na po sa mga malalaYong lugar na malayo sa kabihasnan. Hassle free po at very convenient dahil no need na bumyahe ng malayo Para mag cash out. Laking tipid din po eto s a oras at pamasahe. Sana sa lahat ng lugar meron na pong BDO CASH AGAD. Dahil malaking tulong po eto Lalo na po sa mga emergency po natin.

    Reply

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Motherhood, as I live it, is a gift not everyone can appreciate until she learns to truly live it. More musings and realizations, fun discoveries, and mommy tips at Momi Berlin's blog.

Philippines Blogs

Banners for Top 30 Mama Blogs

Contact Momi Berlin

(632) 9209466387
momiberlin@gmail.com

Follow Us

NEW BOOK ALERT!

Momi Berlin is a

Categories

Our Community Partners

Grab your copy now!

error: Content is protected !!

Pin It on Pinterest