May aaminin ako.
Nagdurugo ang puso ko sa kung ano ang kinahinatnan mo. Hindi naman sa napariwara ka na, ngunit sadyang hindi ko lang nais makita na ganyan ang buhay na gusto mong tahakin.
Nag-usap tayo ng umagang iyon. Pinilit kong wag magpakita ng kahit isang patak ng luha. Nais kong ipakita sa iyo na ako ang nanay na nais mong buuin sa isip mo- walang puso, manhid, at matapang.
Paano ba nagsimula ang lahat?
Peer pressure ba talaga?
Ang sabi ko sa sarili, napasama ka sa maling barkada. Pansin ko na nung dinala mo sa bahay ang mga kasamahan mong sakristan. Sinabihan kita umuwas ka sa kanila. Wala silang madudulot na maganda sa iyo.
Hanggang di mo na sila dinala sa ating tahanan. Di ko na tuloy alam kung tuluyan mo silang nilayuan o nilayo ka na nila sa amin.
At aking napagtanto, malayo-layo na ang ating agwat. Sadyang hindi na kita mahila pabalik sa ating tahanan. Nalaman ko ring wala ka na pala sa pagiging sakristan. Ang pag-alis mo ng maaga upang magserve at pag-uwi ng hapon dahil galing sa meeting ay napupunta na pala sa pagliliwaliw mo. Isa na riyan ang pagkalulong mo sa mga online games.
Pagkalulong na ba talaga?
Maging ang titser mo na ang lumapit at nagsabi sa akin. Naghihinayang siya sa potensyal mo. Ilang gawaing eskwela na ang niliban mo upang sa Mineski Infinity mag time in. At ilang araw ka na ring di sumasabay sa service dahil kailangan mong maglaro muna at di mapansin umabot ng 11:30 ng gabi.
At dumating ang oras na tayo ay nagkasakitan. Pinagsabihan ka sa asal na sa tingin ko ay mali. Dinamdam mo ito at hindi ako kinibo ng maraming araw. At tuluyang lumaki ang pagitan natin sa isa’t isa. Pinilit kong manahilik at hayaang matanto mo ang iyong maling gawa.
Ngunit parang walang nangyaring pagsisisi. Bagkus, tingin ko ay nalugmok ka na sa bisyong una mong natikman.
Isang araw bago ang araw ng mga ina. Naalimpungatan ako o sadyang ginising ng pusong ina ang natutulog kong diwa.
2:30 ng madaling araw. Sinilip kita sa iyong tulugan ngunit napansin kong ang nipis ng iyong katawan sa pagkakakulubong. Tama nga ang aking hinala. Wala ka sa iyong higaan.
Ano ba talaga ang tingin mo sa mundo?
Hinanap ka ng iyong tatay at kapatid sa karatig lugar. Pinasok ang lahat ng computer shop na nadaanan. Ngunit di ka nila nakita.
Dumating ka ng 5:45 ng umaga. Galit ang sinalubong ng iyong ama. Luha ang tangi kong nasagot sa eksenang aking nasaksihan.
Umakyat ka na sa iyong silid tulugan. Tinawag kita at tayo ay nag-usap. Tinanong kita kung saan ka nanggaling. Umamin kang sumakay ka pa ng tricycle at tumawid pa ng over pass upang makapaglaro lamang ng League of Legends. Inamin mo ring hindi ito ang unang pagkakataon. Maraming beses ka nang pumupuslit upang makapaglaro lamang, kahit madaling araw man, wala kang pakialam. Diyos ko, 14 taon gulang ka lamang!
Sadyang hayok ka na ba sa laro mong iyan na nawalan ka na ng takot sa komunidad na alam mong mapaglaro? Nagbibingi-bingihan ka ba sa mga nababalita sa dyaryo na bintilyong napagtripan lamang sa kanto sa dis oras ng gabi? O sadyang maganda pa rin ang tingin mo sa mundo at alam mong walang masamang pwedeng mangyari sa yo?
Hanggang saan tayo aabot?
Pinakiusapan kita. Ang sinabi ko’y “Utang na loob. ‘Wag ka ng lumabas. Kung may hinahanap ka man sa labas at doon mo natagpuan ang saya, bumalik ka sa amin. Naririto kami. Naririto ako. Huwag na nating pag-usapan pa ang nangyari, mag-umpisa tayo muli.”
Pilit kong pinaintindi sa iyo ang mabangis na lansangan. Sinikap kong maunawaan mo, mahal kita. Mayroon man tayong ‘di pagkakaunawaan, mananatiling ina ako sa iyo at ilalayo kita sa palagay kong ikakapahamak mo. Pinakiusapan kita sa palagay ko’y mauunawaan mo na huwag mong hanapin sa labas ang pwede ibigay ng pamilya mo sa loob ng tahanan. Humingi ako sa iyo ng pangalawang pagkakataon.
Pinilit kong wag magpakita ng luha. Ngunit sadyang marupok marahil ang aking puso at di naitago ang aking takot sa maaaring mangyari dahil sa iyong kapusukan.
Ngunit nananatili ang tibay ng aking pananalig na sa pagkakataong iyon, ako’y iyong pakikinggan. Hindi dahil tinakot o sinuhulan kita. Kundi dahil sa anak kita at ako ang iyong ina. Galing ka sa akin at tulad mo, dumating din ako sa oras na hindi ko maunawaan ang aking magulang. Humanap din ako ng bagay kung saan ko ibubuhos ang aking atenyon.
Gaano katibay ang pananalig ko sa iyo?
Ako ang iyong ina at ikaw ang aking anak. Kailanman, di ako susuko sa iyo at ako ay nanananalig na ito ay isang pagsubok lamang sa ating relasyong mag-ina. Nananalig akong sinusubukan mo lamang ang kalayaang pinagkaloob sa iyo at sa huli, ikaw ay babalik. Mas matapang, mas may alam at mas malakas ngunit puno ng pagmamahal mula sa iyong pamilya at sarili.
Ito ang kwentong nanay ko. May tibay ng loob, pananampalatala at paniniwala sa kanyang supling. [tweetshareinline tweet=”Ako’y naniniwala na ang #tibayninanay ay hindi lamang panlabas na lakas kundi nag-uumpisa sa tibay ng loob harapin at aminin ang kahinaan ng pamilya at hilumin muli ang anumang sugat na natanto natin.” username=”SPk3(ad*e(5d4@pEwem@tnlADFb9ZZc8:1:1″]
Alam kong kaya natin ito dahil ikaw ay ang aking supling na nakitaan ko ng tibay ng loob at pagmamahal sa pamilya simula pa noong pagkabata.
Alam kong kaya natin ito dahil ako ang iyong ina na may tibay ng pananalig sa iyo at sa sarili na kailanman ay hindi basta-basta susuko anuman ang mangyari.
Alam kong kaya natin ito dahil anumang tibay mayroon ako ay dahil sa nakuha kong lakas na pinakita ng aking ina. Mula sa aking pagkabata hanggang sa aking pagtanda, andiyan siya na walang tigil at walang reklamong sumusuporta, nagtatanggol, at nagmamahal. Nakatutuwa na ngayong Mother’s Day, nagbibigay pugay ang Orocan kay Nanay, kay Mama, kay Ina, at kay Ma: ang mga babaeng bayani ng ating pang araw-araw na buhay. Wala talagang makakapantay sa TibayNiNanay.
Mula sa ating pagkabata hanggang sa ating pagtanda, andiyan sila na walang tigil at walang reklamong sumusuporta, nagtatanggol, at nagmamahal sa bawat isa sa atin. Ngayong Mother’s Day, nagbibigay pugay ang Orocan kay Nanay, kay Mama, kay Ina, at kay Ma: ang mga babaeng bayani ng ating pang araw-araw na buhay. Wala talagang makakapantay sa #TibayNiNanay.All music tracks in the video were created by Jason Shaw, available under Creative Commons License 3.0.ASC Reference No: A037N050818O
Posted by Orocan on Thursday, May 10, 2018
Kayo, ano ang TibayNiNany kwento ninyo? Pumunta na sa https://www.facebook.com/OrocanPH/ para sa mas maraming impormasyon tungkol sa tibay ng Orocan. Marami rin tayong mababasang TibayNiNanay kwento roon.
My heart ached ready you post mommy. I have a 14 year old son too and cant even imagine he could be like that (skip school, not go home). It must be really hard on you. I pray that the Lord continue to strengthen you and that your to have a change of heart.
I remember the quote of Anne Frank ”Parents can only give good advice or put them on the right paths but the final forming of a person’s character lies in their own hands”. We cannot control our child but it doesn’t mean that we should stop caring. We all know that moms will never give up, I believe that in time your son will change. I know some people who are into online games but they changed for the better.
My heart breaks for you, Berlin. I don’t have teenage boys yet, only teenage girls. I worry about them a lot too but mostly because I don’t see them at often since they live with their dad most of the time now. But like you, I just have to trust that I taught them well when they were very young. Don’t lose hope and keep trying to reach out to your son.
Ako ay lubos na humahanga sa iyong tibay sa pag gabay ng iyong anak. Sa Mundo Natin ngayon kahit gaano tayo kagaling magpalaki at magdisiplina sa loob ng ating tahanan sa ating mga anak ngunit kapag sila ay nasa labas na di natin matitiyak na maalala lahat ng ating mga paalala sa kanila. Ang kailangan natin ay tibay at panalangin sa ating pagabay sa kanila.
Habang binabasa ko ang post na ito, hindi ko maaalis sa isipan ang mga panahong ako ay nasa ganitong edad din. Isang gabi, pinuntahan ako ng nanay ko sa silid at humahagulgol sya habang tinatanong ako kung ano ang problema ko sa kanya. Nung mga panahong iyon, hindi ko maintindihan at ako ay nababaduyan sa nanay ko. Subalit kung ako ay magbabalik tanaw ngayon, hindi ko lubos maisip ang sakit na naidulot ko sa kanya. Hindi man nya maintindihan ngayon ang lahat subalit wag kang sumuko, kaibigan. Patuloy lang sa pagpapaalala at pagmamahal. “A son of so many prayers cannot be lost.”
Ang sakit..hahah madalas ko nga maisip, pano pag malaki na sila..=) PRaying for him. Actually, I wanted him to read this piece I wrote: http://islesgilian.com/think-twice/ Gusto ko sana i-share sa kanya. hahaha
How are you and your relationship now? My heart breaks while reading your post. I want to say that it’s a normal phase – I’ve been a rebellious teenager and young adult in the past – but I know it will not lessen the pain you must be feeling. Praying for you!