MOMI SHARES| Ang Pag-ibig tulad ng Del Forever Joy and Love

Oct 31, 2017 | Life, Love, Only Berlin

Ang unang silay

Naalala ko pa.  Una tayong nagkita sa simbahan ng Banal na Pamilya ni Kristo.  Ako ay isang bagong miyembro ng Munting Kristo na naglalayong magturo ng mabuting salita ng Diyos sa mga munting kabataan sa ating komunidad.  Ako ay madaling namangha sa iyong kabaitan at taglay na paggalang sa nakatatanda.  Ang bawat pagsapit ng Linggo ay aking pinananabikan sapagkat tayo ay muling magkikita.  At abot hanggang langit ang aking kaba sa tuwing tayo ay magkakatabi sa upuan tuwing misa.  Ibig sabihin kasi ay magkakahawak ang ating mga kamay pagsapit ng “Ama Namin.”  Alam mo ung “mga paru-paro sa loob ng tiyan” na malimit nilang banggitin?  Yun ang aking nararamdaman sa tuwing kita ay masisilayan.  At hindi ko malilimutan ang magandang balitang nakarating sa akin nung isang araw na iyon.  Akin kasing nabatid na ikaw man din ay may pagtingin sa akin.  Iyon na siguro ang pinakamasayang araw ng aking buhay kabataan.

MOMI SHARES| Ang Pag-ibig tulad ng Del Forever and Love

MOMI SHARES Ang Pag-ibig tulad ng Del Forever and Love| Sadyang payat at maitim pa ang mga buhok natin noon.

Ang lungkot ng sigalot

Sadyang mapaglaro ang tadhana.  Pagkatapos nating magtapos ng high school, nagpasya ang aking ina na lumipat ng tahanan.  Nilisan namin ang lugar na nagsilbing aking tahanan sa loob ng 15 taon.  Noong mga panahong iyon, pakiwari ko ay napakalayo ng Lungsod ng Quezon, ang aming bagong lugar, sa aking kinalakhang Lungsod ng Marikina.  Iyon na marahil ang isa sa pinakamalungkot na parte ng aking buhay.  Kasabay ng paglisan ko sa ating bayan ay ang pamamaalam ko rin sa aking mga kaibigan at sa Munting Kristo na sadyang napamahal na sa akin.

Ang sinag ng liwanag

Hindi naging hadlang ang distansya ng aming mga bahay upang maputol ang aking komunikasyon sa aking mga kaibigan.  Kami ay nagpalitan ng mga sulat sa pamamagitan ni manong kartero.  Pasalamat na rin ako at merong telepono upang kahit papaano ay magkamustahan kami at marinig man lang namin ang mga tinig ng bawat isa.  At muli, nanumbalik ang ating komunikasyon.  Sadyang nagalak ako ng lubos nang pagbukas ko ng liham ng aking kaibigan, kalakip nito ang maliit na sobre na naglalaman ng isang maiksing mensahe mula sa ‘yo.

Marahil, narinig ng buwan at mga bituin ang ating mga dalangin.  Biruin mo, sa dinami-rami ng maaari ko pang maging kaklase sa unibersidad na aking pinapasukan, aking nakadaupang-palad ang iyong kaibigan at kapitbahay.  Kinabukasan ding iyon, hinintay mo ako sa labas ng aming paaralan, ang una nating pagkikita simula nang lisanin ko ang ating bayan.  Simula rin ng araw na iyon, ako ay iyong sinusundo at hinahatid sa aming tahanan.  Hindi balakid ang 4.3 kilometrong layo ng iyong paaralan sa unibersidad na aking pinapasukan.  Tatahakin ang Maynila papuntang Quezon City upang masiguro lamang ligtas akong makararating sa aming tahanan at muling magbabyahe muna Quezon City pabalik ng Marikina.  Oo, ginawa mo iyon ng apat na taon.  Sadyang nakalulunod ang iyong pagpapahalaga.

Ang mga unang pangarap

Matapos ang apat na taong panunuyo, tayo ay naging magkasintahan.  Sinimulan natin bumuo ng mga mumunting pangarap na abot lamang ng ating murang isipan.  Ako rin ay nagpapasalamat sa iyong malawak na pag-unawa na hindi ipaalam sa aking ina ang bawal na relasyong ating pinasok.  Alam mong hangad ko lamang ang patunayan sa aking magulang na tatapusin ko ang aking pag-aaral bago pumasok sa anumang relasyon.

Tayo ay nagtapos at pinalad makapagtrahabo.  Salamat sa matagal na paghihintay.  Matapos nating makamit ang ating diploma ay ang pagpapakilala ko sa iyo sa aking ina bilang aking kasintahan. Batid ko ang iyong pagkagalak ng mga araw na iyon.  Kasabay din ng pagpapakitang gilas sa kumpanyang nagbigay sa ating ng pagkakataong patunayan ang ating mga sarili, unti-unti tayong nag-ipon para sa pinapangarap nating pag-iisang dibdib.

Ang pagbuo ng pangarap

Naalala mo ba?  Kinatok mo ako sa aming tahanan at nagtungo sa munisipyo ng Bayan ng Marikina. Doon, humarap sa isang hukom upang bigyang tibay ang pagsasama bilang mag-asawa.  Sadyang hindi ko maunawaan ang iyong mga hakbangin, ngunit alam ko na sa piling mo, kailanman ay hindi ako matatakot na harapin ang bagong yugto ng ating buhay.  Tinanggap ko ang iyong alok at nang araw na iyon, pinagsaluhan natin ang payak na handaan bilang isang bagong kasal.  Nang araw ding iyon nagtapos ang anim at kalahating taon natin  bilang magkasintahan.

Makalipas ang mahigit labing-limang taong pagsasama, narito pa rin tayo – nagsisikap buuin ang mga pangarap para sa ating pamilya.  Oo, pamilya.  Mayroon na tayong limang supling na lalong nagbibigay halaga sa bawat pagsusumikap mong maging mabuting ama at asawa.  At sila rin ang kasa-kasama ko sa ating munting tahanan habang ikaw ay nagpupuyat at kumakayod upang mabigyan kami ng magandang buhay.

Ang ating gabay

Sa aking pagbabalik-tanaw, ako ay napatigil.  Nang may ngiti sa labi, aking binalikan ang lahat ng ating pinagdaanan.  Paano nga ba natin naisulong ang ating pamilya at tumagal ng ganito?  Na sa kabila ng maraming tampuhan at di pagkakaunawaan, naririto pa rin tayo at magkaagapay sa buhay na ating binuo at pilit na binubuo.

Pinagmasdan ko ang ating natutulog na supling.  Napangiti ako.  Parang kailangan lamang nang tayo ay unang humarap sa unang responsibilidad bilang magulang.  Ngayon, mayroon na tayong limang anak na magdadala ng iyong pangalan at nawa’y magpapalaganap ng mga aral na ating paulit-ulit na itinuro.    Hindi ko namalayan ang tagal o iksi marahil ng panahon.  Ang akin lamang natatandaan ang iyong pangaral sa akin at sa bawat batang aking isinilang.

Sa harap ng pag-aalinlangan o anumang desisyon sa buhay, sundin ang puso at ang mga susunod na hakbangin ay sadyang magiging madali na lamang.

Nakatutuwa, ito ang naging batayan natin sa ating mga desisyon – maliit or malaki man.  Ito rin ang patuloy na nagbubuklod sa atin upang huwag sumuko at ituloy lamang ang sinumpaan mahigit labing-limang taon na ang nakararaan.

Ang ating pag-ibig

Sa mundong puno ng mahika at teknolohiya, ako ay naniniwala at nagpapatutoo na sadyang makangyarihan ang pag-ibig.  Kaya nitong bumuo ng pangarap, isulong ang isang adhikain, at panatilihin ang kinang ng isang pagsasama.  Ang pag-ibig ding ito ang naging at magiging gabay natin sa ating bawat desisyon.

Nakakamangha.  Ang ating pagsasama ay sadyang parang pinigang ubas at ginawang alak na lalong pinasarap ng panahon.  O ito ay maihahalintulad sa Del Forever Joy and Love Fabric Conditioner na mayroong 15x mas pinatagal na bango kung ihahambing sa ibang nakasanayang damit panlaba.

MOMI SHARES| Ang Pag-ibig tulad ng Del Forever and Love

MOMI SHARES| Ang Pag-ibig tulad ng Del Forever and Love

Oo nga pala, naalala mo ang biro mo nung isang gabing iyon?  Habang inaabangan ang paborito nating palabas, lumabas ang patalastas ng Team Kramer.  Nagawa mo pang magbiro, tipunin ang iyong pamilya, at yakapin.  At tulad ng kaganapan sa patalastas, hinagod mo ang aming mga damit at sumigaw ng bangooooo.

Ngunit sa totoo naman talaga, bukod sa bangong dulot ng Del Forever Joy and Love, sadyang masarap yakapin at haplusin ang mga nagbibinatang anak na sa pagkakataong iyon ay pinagbigyan ang amang naglalambing.

Nakakaligalig.  Hindi mo nagawang magdalawang isip makipagbiruan maging sa ating mga binata. Maging sila ay handa rin sa iyong minsan ay makulit na sarili.  Sana, abutin man tayo ng isa pang labing-limang taon, naririyan pa rin ang masayahin mong pananaw sa buhay.

Hindi ko rin malilimutan ang iyong nakatutuwang sambit na dahil sa mabigat na pasanin sa pag-papaaral sa mga bata, buti na lamang at may mga fabric conditioner tulad ng Del Forever Joy and Love na nagbibigay bango at alaga sa ating mga damit.  “Hindi na natin kailangan pa ng pabango. Sagot na tayo ng Del Forever Joy and Love,” ang nakatutuwa mong sambit.  Hirap man tayo sa buhay, nagagawa mo pang makita ang saya ng paligid.  Higit sa lahat, hindi ka nahihiyang sabihin na sa totoo lang, ang pabangong gamit natin ay hindi galing sa mamahaling de boteng nabibili sa mga estante sa mga malls.  Sapat na sa atin ang bangong dulot ng fabric conditioner tulad ng Del Forever Joy and Love.

Ang lihim ng ating pagsasama

Ayaw kong maghambing.  Ang bawat pamilya naman ay may kanya-kanyang pamamaraan upang tumagal ang pagsasama.  Basta ang alam ko, sa harap ng pag-aalinlangan o anumang desisyon sa buhay, magiging madali ang lahat kung susundin ang laman ng puso.  At ang mga susunod pang mga hakbangin ay sadyang magiging madali na lamang. Ito ang itinuro mo sa akin at sa ating mga anak.  At makaaasa ka na ito lagi ng magiging batayan ko sa bawat desisyong aking kakaharapin.

Sapagkat ang laman lamang ng ating puso ang siyang nakaaalam ano ang magpapasaya sa atin.  Ito rin ang magpapatahimik sa ating isipan at sa ating mga agam-agam.  Maaaring hindi sang-ayon sa nakararami ang desisyong gawa ng puso, ngunit ang mahalaga, ito ang binubulong ng ating mga mata, kamay, at maging mga paa.  Ito ang naging tulay upang tayo ay magkakilala, muling magkatagpo hanggang magsama at mabiyayaan ng limang mga supling.

MOMI SHARES| Ang Pag-ibig tulad ng Del Forever and Love

MOMI SHARES Ang Pag-ibig tulad ng Del Forever and Love| Ngayon, mapuputi na ang ating mga buhok at nadagdagan na ng timbang ang ating pangangatawan, ngunit ang pag-ibig ay naroroon pa rin.

Muli, kung ako ay kanilang tatanugin, ano ang lihim ng ating pagsasama?

Sa harap ng pag-aalinlangan o anumang desisyon sa buhay, sundin ang puso at ang mga susunod na hakbangin ay sadyang magiging madali na lamang.

13 Comments

  1. MITM

    Awww… kahanga-hanga naman ang inyong istorya. Nakaka inlove. Bihira na ang ama na kagaya ng iyong asawa. At wow! Advance happy 15th yr anniversary! Naway mahaba pa ang inyong pagsasamahang kulitan at saya kaymsama ng 5 supling na matatalino at gwapo. Iba talaga ang nagagawa ng Del sa pamilya nyo ❤

    Reply
    • momiberlin

      Salamat sa iyong mensahe. Kasalukuyang nasa probinsya si mister kasama ang mga bata, namumukid. pagdating nya ay ipapaabot ko sa kanya ang iyong napakagandang komento.

      Reply
  2. Marie

    Naniniwala din ako ng puso talaga ang dapat inuuna kapag may pinagdadaan ang mag asawa. Ang ganda ng kwento ng iyong pagmamahalan at sana tumagal pa ng mas maraming taon!

    Reply
  3. All-AroundPinayMama (@multitasking_sj)

    Ay, totoo ‘yan! madaling lagpasan ang mga pagsubok sa buhay mag-asawa kapag kasama mo ang taong pinili ng iyong puso. nakatutuwang magbasa ng ganitong kwento tungkol sa wagas na pagmamahalan. 🙂

    Reply
  4. Kat

    Ang sarap basahin ng inyong istorya ng pagmamahalan. Wow! 15 years! 🙂 Iba talaga nagagawa ng pag-ibig at ang desisyong umibig ng buong tapat at walang agam-agam. 🙂

    Reply
  5. gilian

    Stories from the heart. Haha It’s so nice to read personal stories of people who strive to work hard to keep the family intact. Parang nasasabi mo na “I am not alone in this journey.” Haha keep on loving. 🙂

    Reply
  6. Nerisa

    awww… nakakakilig naman. Did your husband get to read this, mommy? I think kikiligin din sya. 🙂

    Reply
  7. Michi (@michisolee)

    Nice, sarap magbasa ng personal lovestory. Bihira din sa childhood sweetheart ang nag-end sa isa’t isa lalo na pag nagcollege na. Pero sa inyo, hindi naging problem. Now you have a happy family.

    Reply
  8. MrsEneroDiaries

    Aww.. ang sarap basahin. FB status : feeling loved ako ngayon dahil sa post mo Momi Berlin. Nakakataba ng puso. Childhood sweetheart… awww! Kilig much ako!

    Reply
  9. nilyncartagena

    Katulad nyo, simbahan din ang dahilan kung bakit ko nakilala ang aking irog. At nagpapasalamat ako sa Panginoon sa buhay nya. Nakakatulwang isipin kung paano tagpi-tagpiin ng Maykapal ang mga buhay natin upang makilala at makita ang ating kabiyak. Binabati ko kayo. ♥

    Reply
  10. Melisa Sanchez

    Ako ay namangha sa iyong mga malalim na mga salita na kahit anong gawin ko ay di ko maiintindihan ang ibigsabihin ng “SILAY”. Pero mas kamangha mangha ang estorya ng inyong pagkakaibigan kung paano ito nagsimula. Gaya ninyo kami ni Lemuel ay nagkakilala din sa isang simbahan at masaya kami dahil puno ng pag ibig ang aming pagsasama. CHeers! (Ang hirap mag tagalog)

    Reply

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Motherhood, as I live it, is a gift not everyone can appreciate until she learns to truly live it. More musings and realizations, fun discoveries, and mommy tips at Momi Berlin's blog.

Philippines Blogs

Banners for Top 30 Mama Blogs

Contact Momi Berlin

(632) 9209466387
momiberlin@gmail.com

Follow Us

NEW BOOK ALERT!

Momi Berlin is a

Categories

Our Community Partners

Grab your copy now!

error: Content is protected !!

Pin It on Pinterest