MOMI MUSINGS| ng dahil sa basura

Jan 10, 2017 | Only Berlin

may pera sa basura.

paulit-ulit.  malimit ito ang sinasabi nila hinggil sa mga kalat na inakala nating marumi, walang silbi, at pangit.  ngunit ang mga papel kung tinipon, ang mga lata kung inimpok, at maging ang mga plastic container na sinalansan ng maayos ay may kapupulutan din — pera.

img_20140608_1721591-651x1024-2

ito ang malimit na ginagawa ng aking 10 taong gulang na anak na lalaki.  iniipon niya ang mga bills ng kuryente, tubig at telepono. maging ang mga kahon ng pinadeliver na pizza o ng bagong sapatos o appliance.  isinisilid din niya sa black garbage bag ang mga plastic container ng naubos naming suka, toyo at patis.  maging ang mga babasaging bote ng ketsup, palaman at mantika ay kanyang masugid na iniipon.  may isang araw pa nga nang nagluto ako ng pininyahang manok ay tinapon ko sa basurahan ang lata ng gatas na aking isinabaw sa aming ulam.  maya-maya ay lumapit ang aking anak sa basurahan, tinapon ang pinagtasahan ng lapis, nakita at pinulot ang lata sa loob ng basurahan at sinambit, “pwede pa ito!  mahal ang halaga ng tin at metal kung pinakilo.”

nung mga oras na iyon, napagtanto ko na mahala sa kanya ang kanyang ginagawa.   marahil, ito ay isa sa mga magagandang nagagawa ng makabuluhang aralin sa kanilang paaralan.  

ngunit nabatid ko ang lahat nang gabi ring iyon–

nakita ko siya nagbibilang ng kanyang pera.  tinanong ko kung saan galing iyon.  “sa napagbentahan ko po ng mga papel, lata at plastic,” ang kanyang sambit.  umupo ako sa tabi nya at nag-usisa.  “may nais ka bang bilhin kaya ka nag-iipon?”  ang kanyang sagot ay sadyang mailap ngunit batid ko ang sinseridad nya.  “wala naman po.  gusto ko lang makaipon ng pera.”

img_20140325_0911301-2

hindi niya ninais humingi ng pera sa kanyang magulang.  hindi rin siya mareklamo sa mga gamit nya o mahingi ng bagong damit o laruan.  tahimik lang siyang bata.  ngunit malalim.

sana, maarok ko ang nilalaman ng kanyang isipan.  nawa, maunawaan ko ang nilalaman ng kanyang saloobin.  

dahil sa mga mga inaakala nating basura, nakita ko ang simbuyo ng kanyang damdamin.  para bang napakalalim ng kanyang karanasan.  napakalawak ng kanyang pag-iisip.  nakakalula ang kanyang mga kaalamanan.  

napaisip ako.  kilala ko ba talaga ang aking pangalawang anak?  

* June 2014.  Ito ay iilan sa mga nabasa kong sulatin na nais kong ilathala muli.  Nakakatawa. Mahigit dalawang taon na mula ngayon, ngunit sadyang di ko pa rin maunawaan ang aking pangalawang anak.  Nawa, dumating na ang panahon na tayo ay muling makapagkwentuhan at tulad ng dati, walang ilang na ikuwento mo sa akin ang iyong saloobin.  Umaasa ako sa panahong iyon.  At sisikapin kong ibalik ang lahat.

 

 

 

 

17 Comments

  1. LiZaMaRie

    habang binabasa ko ang blog mo..naiyak ako..kase sa murang idad ng iyong anak..ay nagawa na niyang kumita ng pera..at mag ipon..samantalang ang ibang batang kaidaran niya ang iniisip ay ang mag laro at bumili ng kung ano ano..kaya ikaw ay masuwerteng ina..isang ulirang ina..na my anak n tulad niya..

    Reply
  2. Rose

    Yayaman siya d2 sa US sa recycling:)

    Reply
  3. Joy Peiginal

    Wow ang galing. Atleast habang bata pa sya marunong syang magpahalaga sa pera

    Reply
    • momi berlin

      🙂 and i hope he will not change (in terms of value for money).

      Reply
  4. Neri Ann

    Wow napakasinop naman ng batang yan! Gingawa din namin to sa bahay pati yung mga pamangkin ko madalas nag iipon ng mga plastic na bote. Well it helps them to be more resourceful.

    Reply
    • momi berlin

      Salamat. Yes, he is masinop. And very good ang mga pamangkin. Ipagpatuloy. Ihihi.

      Reply
  5. Aika

    I also reposted some old blog posts from my wordpress.com blog. Very nice about your kid talaga. Marunong na siya at a young age. And that’s because you teach him how to become a good and kind kid. Kudos to you!

    Reply
    • momi berlin

      Thank you. The credit though is on him talaga. He is one matiyagang bata talaga.

      Reply
  6. Cai Dominguez

    I’m doing the same when I was younger. Iniipon ko ung mga plastic na bote tapos 20php per kilo hahaha. Hindi din kasi ako palahingi ng pera sa magulag kaya gusto ko ako nalang gagawa ng pera 🙂 magiging successful ang anak mo sa pag hawak ng pera 🙂

    Reply
    • momi berlin

      Salamat. Very good son ka rin pala!

      Reply
  7. Kathy Ngo

    Sometimes we think we know our kids but they constantly surprise us. I think we just need to support and guide them in everything. I felt the confusion you had but the love and desire to understand as well.

    Reply
    • momiberlin

      Thank you. I agree. Our kids constantly surprise us and the best we could do is support and guide them.

      Reply
  8. Nilyn Matugas

    Mahusay, Miguel! Kaya nakakatuwa ang mga batang ito, napakasinop at talino. Medyo nalungkot ako sa mga huling sanaysay mo, naalala ko ang aking sariling anak, sana ay di dumating ang panahon na mailang sya sa’kin. Subalit mukhang kailangang ihanda ang sarili sa pagdating ng panahong iyan. 🙁

    Reply
    • momiberlin

      That is the big difference of having children as to against raising an only child. You can focus more on Nate and be sure to be with him all through his feats. As Ms. Kathy suggests, guidance and support are the best we could give them. I assume Nate will be close to you. Help him choose his peers as well as they may influence him as well.

      Reply
  9. Abie

    Ang ganda nito mommy minsan me mga moments din ako na teka anak ko ba talaga to? syempre oo pero nakakaamaze ung ibang ginagawa nila. Habang lumalaki mga kids ko the more na nakikita ko how different they are sa isat isa. Yung isa ko ding anak ang hilig mangolekta ng barya ng kung ano ano at nilalagay nga sa bag nyang frozen. Me one time nangailangan ako ng battery sa remote ng tv kase di na pwede ung lumang battery, lumapit sya sakin tapos binigyan ako ng bagong battery. Inask ko sya san galing un? yun pala me pag me nakikita xang nakakalat sa bahay kinukuha nya nilalagay nya sa bag nya. Wala lang, nashare ko lang

    Reply

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Motherhood, as I live it, is a gift not everyone can appreciate until she learns to truly live it. More musings and realizations, fun discoveries, and mommy tips at Momi Berlin's blog.

Philippines Blogs

Banners for Top 30 Mama Blogs

Contact Momi Berlin

(632) 9209466387
momiberlin@gmail.com

Follow Us

NEW BOOK ALERT!

Momi Berlin is a

Categories

Our Community Partners

Grab your copy now!

error: Content is protected !!

Pin It on Pinterest