Umakyat tayo sa entablado at sinabitan kita ng medalya. Hindi magkamayaw ang mga photographer, kuha rito kuha doon; kislap dito, kislap doon.
Maya-maya, tumahimik na muli ang paligid. Gumilid tayo upang biglang pugay ang ilan pa sa papangaralan at papangalanang pinakamagaling na estudyante para sa taong iyon.
Sa pagkakatayo natin sa isang tabi, may binigkas ka. At ikaw ay napaluha. Marahil ayaw ipakita sa ina o sinuman ang luhang tutulo mula sa iyong mga mata, inagapan mo ito, yumuko at pinunasan. Maya-maya ay inangat mo muli ang ulo at ngumiti sa kawalan.
Hindi na ako nag-usisa pa. Hinayanan kitang namnamin anuman ang nararamdaman mo sa mga panahong iyon. Ang aking batid, anumang naiisip mo sa mga minutong iyon ang magtutulak sa iyo upang kilalanin mo ang iyong galing at gawin ang nararapat.
Matapos ang mahabang gabi ng parangal at papuri, kinilala na ang mga graduate ng paaralang iyon para sa school year 2015-2016. Tinignan kita muli. Nababakas sa iyong mga mata ang ligaya, lungkot, panghihinayang marahil, at tiwala sa sarili.
Ang gabing iyon ang nagbigay tuldok sa isang yugto sa iyong buhay. At aking batid na sa luhang nangilid sa iyong mga mata, nariyon ang leksyong iyong natutunan. Nawa, ito ay maging gabay sa pangalawang yugtong iyong tatahakin. Kaya mo ang lahat ng bahay, magtiwala ka lang sa iyong sarili.
Sa iyo, aking anak, maraming salamat sa pagpupunyagi. Salamat sa pagpapahalaga sa edukasyong ipinagkaloob ng iyong mga magulang. At salamat din sa makinang na medalya.
Such a memorable and important day for them. Congratulations!
Thank you 🙂
Congratulations! You must be very proud!
Thank you. Yes, very proud.
congratz to the parents!!!
Thank you.
Congratulations to you! I’m sure you’re very proud of your child’s accomplishment. 🙂
Very proud of him. And I hope he continues to be a responsible and God-fearing young man.
Congrats dear! More achievements to come! 🙂
Mhaan | http://www.mommyrockininstyle.com
Yey! More achievements to come. Ihihi. Thanks.
congratulations to you and to your child mommy. wishing you for more achievements to come
Thank you on the more achievements. Hihihi