Hangggang saan nga ba ang #TibayNgNanay 

Oct 6, 2018 | Life, Live, Love, Only Berlin

Paano ba nasusukat ang pagiging ina?

Sa dami ba ng pag-iri at bilang ng anak na niluwal sa mundo?  O sa kung ilang beses umakyat sa entablado ang anak upang sabitan ng mga gintong medalya? Maaari ring sa estado ng kanyang mga supling matapos ang maraming taong pakikipagbuno sa paaralan. 

Sa Bilang ng Anak?

Ako ay isang Ina na mayroong limang anak na kalalakihan.  Kung ang batayan ng pagiging Ina ay sa rami ng anak, tiyak isa ako sa mga “super moms” na pwedeng sabitan ng parangal.  Kung sa bilang naman ng nauwing medalya ng mga anak sa mga patimpalak at pagkilala sa paaralan, hindi rin ako nalalayo sa pinaka-best na nanay. 

Sa Galing sa Paaralan?

Ngunit, ako ay may limang anak hindi dahil gusto kong ipakitang magaling akong mag-alaga, bagkus, yan ang biyayang pinagkaloob sa akin ng Panginoong Maykapal. Hindi rin ako ang aking mga anak.  Sila ay nagunguna sa klase dahil pinili nilang mag-aral ng mabuti at nangangarap sila ng magandang hinaharap .   

Sa Pakikibaka sa buhay?

Marami ang nagsasabi, mahirap maging isang ina. Halos lahat naman ng gampanan ng isang tao ay maaaring maging mahirap depende na lamang kung paano nya harapin ang mga hamon ng buhay.  Sa pakikibaka ko sa buhay, masasabi kong hindi ganung kadali maging isang Ina. Ngunit hindi rin ito isang sumpa na para bagang gusto mong itapon na lamang at iisang tabi. 

Sa Ano ang Kayang Isakripisyo?

Napakaraming ina ang pumapalibot sa aking mundo. Nakagagalak at sadyang nakabibilib ang karamihan.  Marami sa mga ilaw ng tahanan na aking kakilala o nakikita ay handang magsakripisyo para sa magandang buhay. 

Ika nga nila, being a mom is the toughest job in the world. Ngunit hanggang saan nga ba ang kayang isakripisyo ng ating mga ina upang mabigyan tayo ng maayos na buhay? Watch how these inspiring mommies did it para patunayan na gaya ng Orocan, walang katulad ang #TibayNgNanay anuman ang pagsubok na nararanasan.

All music tracks in the video were created by Jason Shaw, available under Creative Commons License 3.0.

 

(kung di magplay, click link here)

Hangggang saan nga ba ang #TibayNgNanay ?

Ako ay isang ina ng limang kalalakihan.  Madalas napapagod ngunit hanggang makakaya, hindi susuko.  Hindi para ipakita sa karamihan na ako ay isang huwarang ina, bagkus upang ipadama sa limang supling na nanggaling sa akin na mapait man ang mundo minsan, mayroon silang nanay na may paghuhugutan ng tibay kung sakaling sila naman ang mapagod at halos umayaw na sa buhay.

9 Comments

  1. Zel Solidor

    Hanggang saan nga ba ang #TIBAYNGNANAY?
    Maituturing kong napakagiting ng aking Nanay. Sa tibay at lakas ng kanyang loob na harapin ang mga pagsubok sa buhay. Ang walang sawang pag aaruga sa aming anim na magkakapatid (5 lalaki at 1 babae). Hindi nya pinaramdam sa amin ang kakulangan ng isang ama, maaaga kasing namatay si tatay. Ginawa ni nanay ang lahat mapalaki lang kami ng maayos at sama sama. Naalala ko pa ang mga mata nyang halatang pagod na, ang eyebags na hndi na nawala wala, ang ngiti sa kanyang labi kapag nakatingin kami sa knya, ayaw nyang ipahalata dahil ayaw nya na kami ay mangamba. Sa umaga ay napaka-agang gumising, tatayo at agad na magsasaing. Gusto nyang sama-samang kumain dahil ito lamang raw ang nagsisilbi nyang vitamins. Sa maghapon ay magtatrabaho si nanay, may dala ng bigas at gulay.
    Hanggang ngayon na kami ay malalaki na si nanay parin ang aming takbuhan. Mahal na mahal nya rin ang kanyang mga apo. Ako ay isang Ina na rin wala akong ibang hinahanggan sa katibayan at katatagan kundi ang aking Nanay. Na hanggang ngayon ay hndi nagsasawang mahalin at patnubayan kaming lahat.

    Reply
  2. momhandsarefull

    A mother’s love is unconditional. True, lahat gagawin at kaya tiisin at isakripisyo para sa mga anak 🙂

    Reply
  3. Marichu

    Walang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Lahat isasakripisyo para lang sa kabutihan nila.

    Reply
  4. Celerhina Aubrey

    Wala talagang sukat. Lahat tayo may krus na dinadala. Ang importante, napalaki natin ang ating mga anak bilang mabuting myembro ng society.

    Reply
  5. Pam / Hey, Miss Adventures!

    I never knew I could do so much for a group of people until I became a mom. Love this job! <3 Sometimes I feel really guilty though pero I also try to console myself kasi lahat naman ng ginagawa ko ay for us…

    Reply
  6. May Arcenal

    Iba talaga ang fulfilment bilang isang nanay. Never thought life could be happy, sad, crazy and amazing all at the same time.

    Reply
  7. Cheryl Polican

    The toughest job in the world but surely the most fulfilling one as well. Saludo talaga sa lahat ng mommies, isa man ang anak o isang dosena!

    Reply
  8. tweenselmom

    I agree with Cheryl, there’s no way to measure a mother’s love because it’s infinite, we haven’t discovered the gauge yet.

    Reply
  9. Kaycee Enerva

    Every one has different parenting style talaga. Pero one thing is for sure Lahat tayo matibay

    Reply

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Motherhood, as I live it, is a gift not everyone can appreciate until she learns to truly live it. More musings and realizations, fun discoveries, and mommy tips at Momi Berlin's blog.

Philippines Blogs

Banners for Top 30 Mama Blogs

Contact Momi Berlin

(632) 9209466387
momiberlin@gmail.com

Follow Us

NEW BOOK ALERT!

Momi Berlin is a

Categories

Our Community Partners

Grab your copy now!

error: Content is protected !!

Pin It on Pinterest