Firstborn’s first book at age 10: Manigong Pagdiriwang ng Pamilya Maynigo. A project in Filipino, firstborn wrote a short story and narrated his Christmas and new year preparations. The teacher required them to provide for a cover page, a title page, a foreword section, and a sheet about the author. The short story should be in a ring bind or book bind. We opted for book bind.
To make the short story longer, he included photos. He asked if he could access my photo file and get some photos he might find useful.
the title page
the foreword page
Of course, he thanked his whole family for the support; included his teacher in the list of his thank yous; and did not forget to extend his gratitude to Jesus, too.
the about the author page
Firstborn mentioned his affinity for lego and origami. He likewise mentioned that his ninang Wendy gifted him with an origami set. He must have loved that set very much!
Firstborn’s first book at age 10: the body
Ang Aming Pamilya
Ang pamilya Maynigo at mayroong lima katao – si papa, si mama, ako, at ang aking dalawang kapatid. Ako ang panganay sa tatlong magkakapatid, at lahat kami ay lalaki.
Kami ay nakatira sa isang katamtaman ang laki ng bahay kung saan ito ay mayroong dalawang palapag. Kalilipat lang naming noong nakaraang bagong taon. Ang sabi nga ni papa, “Bagong taon, bagong bahay.”
Ang paghahanda
Ako at ang aking mga kapatid ay nagagalak nang dumating ang Pasko. Ito ang pinakamasayang araw para sa amin dahil bukod sa maraming regalo ay marami ring pagkain sa aming hapag-kainan. Kami rin ay pinapasyal ng aming mga magulang sa iba’t ibang pook pasyalan at libangan.
Ang darating na Paskong ito ay extra espesyal para sa amin sapagkat ito ang unang pagkakataon na magpapasko kami sa aming bagong tahanan. At masasabi ko na maging ang aking mama at papa ay nananabik na rin sa darating na kaarawan ni Hesus. Bakit? Dahil pagkatapos pa lamang ng kaarawan ni papa noong Oktubre 20, naglagay na kami ng mga dekorasyong pangpasko sa aming tahanan.
Ang dekorasyon
Habang ako at ang aking mga kapatid ay nasa paaralan, sumaglit si mama sa SM Novaliches. Siya ay matiyagang naghanap ng mga Christmas decorations para sa aming tahanan. Alam kong nag-enjoy ang aking mama sa pamimili sapagkat siya ay sadyang mahilig maglibot sa mall.
Ang hapag-kainan ang pinakaumpukan naming pamilya. Sa hapag-kainan kami nagtitipon-tipon upang kumain. Sa hapag-kainan kami nagkukwentuhan ng mga nangyari sa amin sa paaralan. Habang kumakain ay hindi rin maiiwasan ang tawanan at maging malakas na halakhakan. Mag-uumpisa ang aking bunsong kapatid na magbigay ng mga jokes at susundan naman ito ng aking papa hanggang sa lahat na kami ay mayroong kanya-kanyang pasabog na patawa para sa lahat.
Ang hapag-kainan ang unang naisip ng aking mama na damitan ng pangPasko. Ang sabi n’ya sa amin, ”Sa bawat pagkain natin dito sa ating lamesa ay mapapangiti tayo dahil alam natin na nalalapit na ang Pasko. At ang ating table cloth ang magpapaalala na nalalapit na ang araw na ating hinihintay – ang kapanganakan ni Hesus.”
Sunod sa hapag-kainan, ang aming munting salas ay isa ring umpukan lalo na kung Sabado at Linggo. Malimit sa salas kami naglalaro ng aking mga kapatid habang nagbabasa naman ng libro ang aming mama. Ang salas din ang aking paboritong parte ng aming tahanan sapagkat nandito ang aming telebisyon at ang aming mga laruan.
Ang kwento ng aking nanay, ”Nakita ko ang mga throw pillows na ito at hindi ako nagdalawang-isip na bilhin sila. Alam kong magbibigay ito ng kakaibang kulay sa ating bahay.”
Sadyang mahilig magkuha ng mga larawan ang aking mama at mahilig ding makisali sa mga litrato ang aking bunsong kapatid, si Daniel.
Ang sabi ng aking papa, ang simbolo raw ng Pasko ay ang Christmas wreath kung kaya’t hiniling niya kay mama na kami ay maglagay din ng Christmas wreath. Mabuti naman at sinunod ni mama ang kahilingan ni papa. Nang dumating si papa ng gabing iyon, meron na kaming Christmas wreath sa labas ng aming pinto.
Bumili si mama ng isang pabilog na garland at dinekorasyunan niya ito ng maraming Christmas balls na may kulay pula at ginto. Sinabitan din niya ang aming Christmas wreath ng mga pulang laso, mga bulaklak at kumikinang na mga dahon.
Ayon sa kwento ni papa, ang Christmas wreath ay isang papabilog na decorasyon na gawa sa evergreen na dahon. Ito ay sumisimbolo sa walang hanggang pagmamahal ng Panginoon.
Akin pang natatandaan. Walang pasok noong nakaraang Oktubre 26, Biyernes. Kami ng aming pamilya ay naglibot sa SM Novaliches. Hinikayat ng aking bunsong kapatid ang aming mga magulang na naglagay din ng Christmas lights sa labas ng aming tahanan. ”Ang ganda ng Christmas lights sa katapat nating bahay, mama, papa. Sana meron din tayong Christmas lights na bubuksan tuwing gabi,” ang hiling ng aking bunsong kapatid na si Daniel.
Bago kami umuwi, kami ay dumaan sa ACE Hardware at namili kami ng iba’t ibang Christmas decorations. May pumili ng mga gintong bulaklak habang ang iba naman ay kumuha ng mga makukulay na mga Christmas balls. Kami ni papa ay naghanap ng Christmas lights.
Dahil ginabi na kami ng uwi, minabuti naming magpahinga na at ipagpabukas ang pagkakabit ng pinakabago naming Christmas decoration.
Kinabukasan, sama-sama kaming mag-anak na nagkabit ng garland sa aming bintana. Sinabitan namin ito ng iba’t ibang dekorasyon na aming binili kahapon. Pinalibutan din namin ang aming bintana ng Christmas lights upang mas maging maganda ito sa aming paningin lalo na kung sasapit ang gabi.
Laking tuwa rin namin nang makita namin na bukod sa mga throw pillows, Christmas lights at wreath, meron din kaming bagong mga kagamitan sa kusina. At ang aming bagong kagamitan ay may tema rin ng Pasko!
Sadyang masaya na ang lahat. Talagang handa na ang aming pamilya sa darating na Pasko. At excited na rin ako at ang aking mga kapatid nang makakita kami ng Santa socks na nakasabit sa pinto ng aming mga kwarto. Ang sabi ng aking ina, lagi raw naming titignan ang loob ng Santa socks at baka may mga bagong regalo!
Ang Belen
Kaming magkakapatid ay napahilig na sa pagbabasa ng Bibliya, salamat sa gabay ng aming ama. Isang araw, nag-uwi si papa ng mga figurines ng Holy Family at maging ng Three Kings at mga hayop sa sabsaban. Binigyan nya kami ng instruction na gumawa ng Belen.
Ito ang una naming ginawa. Pinahiram ni mama ang kanyang malaking plato upang paglagyan ng mga figurines. Naglagay din kami ng mga construction paper upang maging makulay ang aming Belen
Nang makita ni papa ang aming Belen, siya ay napangiti. “Gusto ninyong mas pagandahin pa natin ang ating Belen?” ang kanyang tanong sa amin. Kaming tatlong magkakapatid ay tumango. Sinimulan muli naming ayusin ang aming Belen. Binigyan kami ni mama ng kanyang sinamay mula sa bungkos ng bulaklak na binigay ni papa sa kanya. Ang sinamay ang ginamit namin bilang bubong ng aming Belen.
“Ano po ang kahalagahan ng Belen, papa,“ ang tanong ng aking bunsong kapatid.
“Ang Belen ang magpapaalala sa atin na hinihintay natin ang pagdating ni Hesus – ang kanyang kapanganakan. At ang panganganak ni Maria kay Hesus sa isang sabsabay ay nagpapahiwatig ng kababaang-loob. Ibig sabihin, hindi dapat tayo maging mayabang sapagkat ang ating tagapagligtas ay hindi namili kung saan siya ipapanganak at ang kasama niya sa sabsaban bukod sa kanyang mga magulang ay mga hayop,“ ang marahang kwento ng aming ama.
Nakatutuwa dahil ang munting Belen na nasa aming harapan ay mayroon palang isang malalim na kahulagan. Ang aming bagong Belen ay nilagay namin sa aming salas upang lagi namin itong nakikita at muli, magpaalala sa amin na maging hindi mayabang.
Ang aming Pasko
Nagkaroon kami ng Christmas Party sa aming paaralan. Maraming mga palaro at pakulo ang hinanda ng paaralan para sa amin. Maging ako rin ay may hinandang mga regalo para sa aking mga kaibigan.
Ang aming Pasko naman sa aming tahanan ay sadyang masaya! Hitik sa pagkain ang aming lamesa. Mula sa mga prutas, minatamis tulad ng leche flan, ube at gelatin, meron din kaming hipon, spaghetti, hamon, chicken lollipop, beef salpicao at steamed lapu-lapu. Tumulong ako sa aking ina na maghanda ng spaghetti. Kami ring mga magkakapatid ang nag-ayos ng pinggan sa aming hapag-kainan.
Bago kami sama-samang kumain, ako at ng aking pamilya ay nagsimba muna ng 9:00 pm na misa sa aming parokya. Kay ganda ng gabi! Halos lahat ng mga bahay na aming nadaanan ay mayroong mga kumukutitap na mga palamuti at ilaw. Maging ang aming simbahan ay napakaganda. At sa loob ng aming simbahan ay mayroong isang napakalaking belen.
Hinintay namin ang 12 ng madaling araw upang sama-samang kumain. Bukod sa aking ina at ama at dalawang kapatid, kasama rin namin nang gabing iyon ang aking lola na si mommy Elvie. Sabay-sabay kaming kumain ng aming Noche Buena.
Bago kami kumain, nagdasal ng mataimtim si papa. Nagpasalamat sa grasyang dumating sa amin ng taong 2012 at nagpapasalamat sa mga darating pa ngayong darating na 2013. At syempre, binati rin namin ang pinakaimportanteng taong may kaarawan ng araw na iyon, si Hesus.
Naglabas ng isa pang plato ang aking ina at nilagyan ito ng mga pagkain. Inutusan nya akong magpunta sa guardhouse at iabot ang pagkain sa mga tanod. Laking tuwa ng mga tanod sa aking dala. Sila ay lubos na nagpasalamat!
Ang aming Bagong Taon
Sobrang saya ng aming Pasko. Nanood din kami ng mga pelikulang Pilipino. Ilan dito ay ang ”Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si AKO”, ”El Presidente” at ”Sisterakas.” Sa tatlo, ako ay napatawa ng marami sa “Sisterakas.” Pero ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang “Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si AKO” dahil maraming mga kakaibang karakter na lumabas sa pelikula. Talagang nakakatuwa!
Kami rin ay nagpunta sa Trinoma, SM The Block at SM Novaliches upang mamili ng ilang mga bagong gamit. Meron kaming mga bagong damit, sapatos at laruan. Si mama rin ay may bagong wok bilang paghahanda sa darating na bagong taon.
Sa pagsalubong ng baong taon, kami muli ay kumain ng sabay-sabay. Pinaliwanag ng aming ina na ang tawag sa pagkain ng sabay-sabay sa pagsalubong ng bagong taon ay Medya Noche. Mas marami ang pagkain naming ng Medya Noche kaysa Noche Buena. Meron kaming baked salmon, baby back ribs, smoked ham, spaghetti, hipon, lumpiang shanghai at roast beef. Marami rin kaming mga panghimagas tulad ng ube, leche flan, mango bravo refrigerated cake, mocha regrigerated cake at gelatin. Lahat ng aming handa ay paborito ng bawat isa sa amin!
Ang aming Pamilya
Sadyang masaya ang aming Bagong Taon at Pasko. At sa tingin ko, naging masaya ang aming selebrasyon dahil napaghandaan namin ito ng mabuti. At higit sa lahat, kami ay kumpleto. Sinugurado ng aking mga magulang na wala na silang pasok sa opisina muna Disyembre 21 upang mas lalong magkasama-sama kaming lahat!
—
Good job, firstborn! You can very well write a book even at age 10! If your book is available at National Bookstore or Powerbooks, it will surely be a best seller!
Note: Sadly, firstborn’s teacher did not return the book to us. But I am still grateful that I was able to document everything and save his composition. I decided to share this with you as I am just so proud of my son’s writing. At age 10, he can compose a short story and even decide for himself what would be the content of his book. My firstborn is now 14 years old.
Galing! Parang high school na yata ako nung nagproject ng libro-libro na ganyan.
And mukhang love nga ni firstborn ang origami book. Namention pati ko hehehe.
hahha. oo, special mention ka ha. daig mo pa si momi. si momi, nagtampo, di man lang daw sya pinasalamatan ni first-born pero ang ninang special mention.
How incredibly cute is this!! I love the “about the author” page! You have a young author in the making. Can’t wait to read his best seller one day 😉
Cant wait too to read his books .Ihihi. Thank you.
Wow, ang galing niya. Reading the story parang hindi 10 years old ang gumawa. Parang feeling ko pag yan project namin, mahirap na buuin ang 100 words. hehehe! I’m not sure kung matutuwa o malulungkot ako pag di rin binabalik project, may project din ko na di binalik ng teacher ko dati, gusto ko pa naman yun. 🙂
Napakahusay naman ni Gabriel! Ako, I don’t even remember if naka gawa ba ako ng sariling book. Ah, yes I did pala, sa bible school pero it was so small and only has about 30 pages, I guess. If I remember it right, it’s about the vowel and consonants (English subject e, haha). Handwritten lang un kaya di ko feel na book talaga sya, itong kay Gab, librong libro e! hehe.