kami’y nakaupo sa harap ng isang tanyag na unibersidad sa mendiola upang salubungin ang halige ng aming tahanan na sumabak sa napakahabang pagsusulit.
di maiwasang mabaling ang aking paningin sa mga gusgusing bata at kadalagahan sa may malaking gate na rehas. nangangalabit. nanghahabol. hindi ka lulubayan hanggang walang inaabot sa nakatanghod na mga palad.
at nabaling ang tingin ko sa kanya. di nalalayong nasa 15 hanggang 17 anyos ang dalagitang walang saplot ang paa. at siya ay nagdadalang-tao. ginusto man o hindi, hindi nya iniinda ang bigat ng dinadala. patuloy lang ang kanyang pangangalabit… ang paglalakad… at pagikot-ikot.
patuloy lang ang buhay.
nilisan namin ang lugar, at sa aking paglingon, naroroon pa rin sya – abala sa pangangalabit… sa paghingi ng pagkain o pera.
ilan buwan mula ngayon, isisilang ang isang musmos.Â
at ako ay napatingin sa aking tatlong mga supling. pinaalala sa akin ang aking pangunahing tungkulin – ang mahalin at bigyan ng maayos na pamumuhay ang aking mga anak.Â
napaisip. napatigil . sa aking susunod na hakbangin, kanilang kapakanan ang aking isasaalang-alang.
ako ay babalik sa tungkuling noon ko pa sana ginawa.Â
Marso 22, 2012 nang akin itong isulat, namamayagpag bilang isang manager sa isang public relations firm. Matapos ang halos limang taong panunungkulan, nilisan ang corporate world at piniling maging isang ina at asawa.
Wala kasi akong ibang choice, ang malimit kong sambit. Napag-alaman kong katulad ng dalagang aking nabanggit sa umpisa ng aking kwento, ako ay nagdadalang-tao. Hirap sa pagbubuntis, malamang dahil sa edad, ang araw-araw na pagbabyahe mula bahay patungong opisina ay isang balakid. Naroon ding iniisip sino ang mag-aalaga sa supling aking dinadala-dala. At ang naising masubaybayan ang tatlong naglalakihang mga anak ang syang tuluyang nagtulak sa akin upang tuluyang maging isang stay-at-home mom.
Madaling araw ngayon. Hindi ako dalawin ng antok. Iniisip ang nahihirapang anak na ilang beses nang pabalik balik sa palikuran. Â Sambit ko sa sarili na pagbukang liwayway ay tutungo kami sa ospital upang magpatingin at mabigyang lunas ang kanyang dinaramdam. Ang tagal namang mag-umaga.
Madaling araw ngayon. Umingit ang katabi kong sanggol at hinanap ang susong nagbibigay sa kanya ng pangtawid gutom o uhaw. Â Nakatulog na muli makalipas ang ilang minutong pagdede. Ngunit naiwan akong gising at nag-iisip nang kung anu-ano. Hindi dalawin ng antok.
Madaling araw ngayon. At sa bawat pagdating ng bagong madaling araw ay ang pagtakbo ng panahon. Apat na taon na marahil ang batang dala-dala ng babaing gusgusin sa may tanyag na unibersidad sa may Maynila. Mahigit isang taon na nang lisanin ko ang pamamasukan sa isang tanggapan. Mag-iisang taon at limang buwan na ang supling aking isinilang. Â At ngayon, hindi makapaniwala-
Madaling araw ngayon. Hindi ako dalawin ng antok o sadyang ayaw magpatulog ang kirot na nadarama dulot ng isang nilalang na nabubuo sa loob ng aking sinapupunan.
Ang ganda naman. Magaling ka talagang magsulat sa Filipino (and in English syempre). Pero pag tagalog, ramdam na ramdam ko yung lalim ng emotions mo. Parang prayer (if u know what i mean). Hehehe.
salamat, ulit. maganda lang din siguro yung experience kaya lumabas yung emotion.
Ibang klase talaga ang tama at pagka-relate nating mga pilino pag tagalog nakasulat ang nga blog posts. Paminsan minsan maganda din talaga na naihahayag mo ang iyong nga nararamdaman at nais sabihin sa ating sariling wika, pagpapakita lang din ito ng iyong kagalingang magsulat sa ingles man o tagalog.
Maging ako natutuwa kapag nakababasa ng mga sulatin sa sarili nating wika. Tama ka, iba ang tama. 🙂
Marahil ang mga oras sa madaling araw ay pawang nakakbalisa. Ito ang oras na di ka mapakali’t lalo na may iniinda or may iniintindi. Kung minsan sa kabila ng kawaqlan ng tulog at mga agam-agam sa magdamag ang tanging konsolasyon sa mga sandling yung ay ang pagsapit ng bukang liwaylway.
Marahil. Minsan, iniisip ko rin- sana hindi matapos ang magdamag at hindi sumapit ang panibagong araw.
Abala ako sa madaling araw dahil sa oras ng trabaho ko. Ang pinaka madaling araw ng 24 oras ko ay hapon 🙂
At ang madaling araw din ang pinakamatahimik na oras, sadyang masarap magtrabaho kung ang paligid mo ay tahimik.
Alam mo Berlin, Bisaya ako. At marami sa aming mga Bisaya ang palaging pinagtatawanan pag nagta-Tagalog kami. Stereotyped na nga kami bilang mga yaya na may matitigas na dila. 😉 Pero nitong Nobyembre, nakilala ko ang isang manunulat. Ang pangalan niya: Rogelio Braga. Nanirahan sya sa Cebu ng limang taon upang mapag-aralan ang Cebu para sa kanyang nobela. Natapos niya ito at nalathala. Ang pamagat ng Tagalog na nobela: Colon. Si Rogelio Braga ang dahilan kung bakit ako nagsusulat muli gamit ang Tagalog. Labing-apat na taon na rin akong tumigil sa pagbabasa ng Tagalog. Pero dahil sa Colon at kay Rogelio Braga, nagsulat at nagsalita ulit ako ng Tagalog. Nagsulat ako ng review sa Ingles: http://www.readingruffolos.com/colon-fearless-bold-take-on-history-book-review/. Ang mga sanaysay at pagmumuni-muni na katulad ng entry mo sa blog sa na ito ay nakakatuwa. Salamat. Salamat at nagsusulat ka ng ganito.
Salamat din sa pagbibigay oras na basahin ang lathalaing ito. Masarap magkaroon ng inspirasyon. Sa aking palagay, sadyang magaling si G. Rogelio Braga upang makamit nya ang iyong paghanga.
Natuwa ako basahin itong post mo Mommy Berlin. Napahanga mo ko. Yung OK ako magtagalog pero hirap ako isulat ng maayos.Haist!
Salamat. Marahil, umaapaw ang ideya at emosyon kung kayat natapos ko ang pagmumuni-muning ito. Minsan, ginagabayan tayo ng ating emosyon upang lumabas ang ganda ng isang sulatin.
Ang ganda! Makakarelate tayong lahat ng mga nanay sa muni-muni mo. Nakakatuwa din kasi minsan lang ako makabasa ng purong Filipinong post tulad ng sa iyo, at ramdam ko ang emosyon na ibinuhos mo dito.
Salamat sa magagandang salita mula sa iyo. Marahil ang kwentong ito ay mas matamis isulat sa sariling wika natin kung kayat lumabas ang emosyong nais kumawala.
Ang lalim. Di ko maarok. Haha Pero ang galing ha. Ramdam na randam talaga yung emosyon bilang isang ina at babaeng may sariling karera.
Salamat 🙂
I try to worry less now than I use too when I was younger. I realized I cannot change everything and no matter how much I worry… I end up jusg worrying more…
Nowadays I just try to focus on things I should be thankful of! And do whatever I can to help others…
I try to worry less now than I use too when I was younger. I realized I cannot change everything and no matter how much I worry… I end up just worrying more…
Nowadays I just try to focus on things I should be thankful of! And do whatever I can to help others…
Naantig ako sa pagsusulat mo, Berlin! Napakahusay mong gumamit ng mga salita upang ipaliwanag ng may kulay ang iyong kwento at nais na iparating. Kahanga-hanga, para akong nagbasa ng nobela. Alam mo naman kung gaano ko kayo kamahal ni Yael, simula nung nagkita na rin tayo sa wakas! Ngayong magiging ina ka muli, ipinararating namin ni Avis ang aming pagbati! Salamat sa pagiging isang mabait at tunay na kaibigang blogger. 🙂
Salamat sa pagbati. Sanay magkita tayo muli. At aasahan ko ang mga oras na iyon 🙂
Ubod ng lalim, halos hindi ko maarok. Napakahusay mo’ng magsulat. Pero may iba akong napansin at bilang isang kaibigan, ako ay nag aalala sa’yo. Sana ay ayos ka lang at nandito lamang ako kung kailangan mo ng kausap. Ipagdarasal kita, bes. I love you. ♥
Salamat. Panalangin marahil ang kailangan ko sa mga panahong ito. Salamat.
Makakaasa ka’ng ipinapanalangin kita. Palagi kitang naalala sa buong araw na’to (parang pag-ibig lang, hehe).
Unang una ako ay humahanga sa iyong mahusay na talento sa pagsusulat, tagalog man ito o sa Inglis. Ang iyong husay at galing ay nagbibigay ng kaligayahan sa mga nagbabasa nito. Ang pag muni-muni nang isang ina minsan ito ay may kaakibat na suliranin, pag alala, pag iisip ng solusyon. Kung ano man ang iyong pinagdadaanan ngayon ipagdasal lang sa Panginoon dahil tiyak, Siya lang ang solusyon. Isasama narin kita sa aking mga panalangin kasama ang iyong buong pamilya.
Salamat, Melisa. Dasal, higit sa anuman, ang kailangan ko sa ngayon.
Ang ganda ng iyong pagkasulat! Tunay na kahanga hanga! 🙂 Tama po ba na magsambit ng congratulations sa dulong pahayag?
Salamat sa pagbati. Marahil, marami ang nagagalak makarinig ng ganyang balita. Dasal ko rin na dumating ako sa panahong magalak at matanggap ang balitang ito. Malamang, gulat pa rin hanggang ngayon kayat naisin ko mang magsaya ay hindi ko magawa.
ang ganda ng iyong pagkakalatha. hindi lahat ay nabiyayaan na maging isang ina, ginusto man o hindi, isa pa din itong pribelehiyo na ibinigay ng Diyos sa tin.
Salamat sa pagpapaalala. Nakatulong ang iyong mga sinambit upang ipaalala sa akin ang tunay na diwa ng isang ina.
Grabe napakalalim ng mga salitang tagalog. Iba pa rin talaga kapag ang sulat ay nasa sarili nating wika. Pwede kang gumawa ng mga tula. 🙂
iba ang pakiramdam at dating minsan ng pagsusulat sa ating sariling wika. minsan, nakakaalis ng pagod o anumang intindihin.
Malalim talaga kapag tagalog! ramdam ang emosyon… pero ito lang ang masasabi ko, stay at home na rin ako, at naiiyak ako magturo ng filipino at mother tounge. Hehe
Decisions are difficult for moms like us, but I admire it when a woman chooses what is right over what is convenient. Press on. There is a bigger picture at the end of your story, and because you chose to do what is right for your children, you will rejoice in the end. 🙂
For this light momentary affliction is preparing for us an eternal weight of glory beyond all comparison, 2 Corinthians 4:17.
Being a mom is difficult and entails sacrifices, and this includes giving up something for our kids. We may, at times, question our choices but at the end of the day, we must not forget that there are people depending on us 🙂
I did not know pregnant ka pala! Congratulations! And masarap basahin ang blog post mo in Filipino. Matagal na din akong hindi masyadong nagbabasa ng babasahin sa ating sariling wika. I remember the good ole pocketbooks, na sobrang iksi ng istorya pero nakakapagpalipas ng oras na di namamalayan. Kinikilig din ako minsan, hahaha. Again, congrats!
Salamat 🙂
Astig! Ang sarap magbasa ng ganto. Minsan kasi underrated ang language natin,e. Yung emosyon ng sinulat mo, Mommy tagos sa puso! Mabuhay ang mga nanay!
Yey! Mabuhay ang mga nanay. Ihihihi
Wow ang lalim but I can definitely relate being a mom myself. I guess, we all do what we can, diba? Mahirap talaga maging ina pero madami din naman syang rewards. 🙂
Yes, hindi maipagkakaila, maraming rewards at sobrang daming learnings din 🙂
Wow… Medyo naiiba ito sa nakasanayan kong pagsusulat mo, Momi Berlin… 🙂 Congrats pala ah. Pareho tayong buntis pala ngayon. Ingat ka palagi and sana baby girl na yan… 😀
Oo. Ihihi. Ingat ka rin lagi at sana please please please. GIRL na talaga dapat ito. 🙂
Napakapaganda ng iyong saloobin sa blog post na ito. Binasa ko mula umpisa hanggang katapusan at tunay na nakakaantig ang iyong mga tinuran. Nawa’y gabayan ka ng ating Panginoon sa lahat ng iyong mga hakbangin at desisyon sa buhay.
SAlamat sa mga magagandang salita. GAbay ng Diyos, higit kung anuman, ang kailangan ko sa ngayon. At naway gabayan rin kayo ng ating Panginoon.
Did I understand correctly, you are pregnant? Sorry, medyo hirap magbasa ng tagalog, Hahaha! If so, congrats, Mommy! 🙂
🙂 thank you. Yes, I am.
Nakakatuwang makabasa ng Pilipino o Tagalog na blog post paminsan-minsan. 🙂 Ang ganda ng pagkakasulat mo! 🙂
Salamat. Oo, minsan hinahanap hanap din natin ang tamis ng pagbigkas at pagbasa ng sarili natinf wika.
Wow! Ang lalim at napakaganda. But before i say that iniisip ko talaga kung tagalog o english ang icocomment ko, nadala ako ng emosyon hehehe! I always admire how you write, galing momi berlin! 🙂
Sa aking nabasa ako’y napaisip
Pagsalin ng salita aking inulit-ulit
Ano nga ba ang “gate” sa tuwirang salin
“Ah, tarangkahan nga pala,” aking nasambit.
Sa iyong panulat, sa aki’y nanariwa
Mga alaala noong ako’y bata
Ang pagkahilig kong gumawa ng tula
Ay biglang nabuhay, sa puso sa diwa…
Ayiee breath of fresh air ang mga ganito, natuwa ako kasi mahilig din akong gumawa ng tula pero nakalimutan ko na simula nung naging Nanay ako…inspiring, thank you
..
Gusto ko talaga ang mga sinusulat mo. Sa wikang ingles man o sa filipino, magaling ka talaga magsulat. Hinuli ko nga itong basahin dahil pamagat pa lang, alam ko na may antig na sa damdamin. Iyakin pa naman ako.
Hays naalala ko tuloy yung pagiging working mom ko dati. Nice article mommy.
Damang-dama ko ang emosyon sa panulat mo Berlin! Ang galing!